Adventure of Life

Adventure of Life

Saturday, April 2, 2016

Para kay Tatay

Dalawang araw na pala lumipas ng mawala si tatay,di pa rin makauwi dahil may kailangan pang ayusin papeles bago bigyan ng visa pauwi ng pinas kaya naisipan kong isulat tong blog na to dahil siguro di ako makatulog at nag iisip.Eto yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya na di ko man lang nasabi,dahil siguro sa walang pagkakataon o sadyang di lang ako yung klase ng tao na nakikipagusap ng masinsinan sa kanilang mga magulang.
Simula pagkabata,nakita ko na kung gaano paghihirap niya para sa amin,kung paano nya tinaguyod kaming pamilya,kung paano nya ako pinagtapos ng pag aaral sa pamamagitan ng pagmamasahe ng jeepney at minsan trysikel pagka nagkaproblema yung makina ng sasakyan,nakikilabas lang nun si tatay kaya kailangan sulitin nya yung oras dahil kung ano lang yung matitira sa boundary yun lang yung kanyang mauuwi para samin para baon at pagkain namin araw araw.Nandyan yung mamasada siya kahit na malakas ang ulan,maaga aalis at hating gabi na uuwi.Saksi ako kung gaano kahirap magpasada kasi minsan sumasama sa kanya pag wala akong pasok para magsukli sa mga pasahero.Ang hirap lalo na pag masisiraan ka sa gitna ng kalsada.Pero tinitiis nya yun at tiniis na yung ng ilang taon kasi yun lang ang alam nyang hanapbuhay at paraan para maibigay nya lahat ng pangangailangan ng pamilya nya.Naalala ko pa nga nung nagwork ako part time sa Jollibee pero pinatigil nya ako dahil siguro nakikita niyang nahihirapan ako.Siguro iniisip nya na di bale ng mahirapan siya wag lang yung anak nya.
Kaya tatay nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa nyo para sa amin,walang katumbas lahat ng sakripisyo nyo,alam ko ang dami kong pagkukulang,alam ko di pa sapat lahat ng bagay na ginagawa ko dahil walang katumbas lahat ng sakripisyo nyo para samin.Di ko inaasahan na mabilis na mawawala ka,may usapan tayo na hihintayin mo pag uwi ko.Naalala ko sa tuwing magsskype ako,ayaw mo akong kausapin kasi lagi kang naiiyak pag nakikita mo ako,sasabihan ka pa ni nanay na wag kang umiyak sa harapan ng anak mo kasi malulungkot yan,Ang dami nating plano,gusto mong ipaayos yung bahay at mapagtapos si kulet ng pag aaral.
Tatay,nung nalaman mo kalagayan mo,yung sa sakit mo,Lahat gusto kong gawin para lang makita ka,Nag makaawa ako sa boss ko na pauwiin para makita ka pero di sila pumayag,pasensya na kasi di man lang tayo nagkita,Nakiusap din ako na ipagamot ka pero wala na tlga,Nagdecide nalang din kami nila nanay na tanggapin nalang.Sorry po.Sana noon na nasa pilipinas ako,nasabi ko na mahal na mahal kita at naakap kita.Ngayon sa picture nalang kita nakikita.Gusto ko ng umuwi,Pero di ko alam kung kaya ko na makita ka na sa ganyang kalagayan.
Tatay maraming maraming salamat po.Pangako,di ko papabayaan si Nanay at mga kapatid ko.Ako na po bahala sa kanila,alam ko masaya ka na sa piling ng ating Panginoon,Magkita nalang po tayo dun.Panginoon kayo na po bahala kay Tatay.!!!!!

No comments:
Write comments